guest workers in NZ, migration in NZ, NZ Pinoy, post lockdown NZ, working in NZ

“di ko inakalang araw-araw akong magsasardinas sa NZ kuya”

post thumbnail placeholder
construction-jobs [ Turning the floor over to one of our kabayan Bong, who’s faithfully served the New Zealand economy half a decade now, and will serve for as long as he’s wanted, covid19 or no covid19Photo is not representative of blog post,  acknowledgment to newzealandnow.govt.nz! ] Pinasasalamatan namin ang tulong, pero di yun ang tulong na kailangan namin. may mga ayudang pinamumudmod, pero trabaho ang kailangan namin. may mga trabaho at posisyon tayo, subali’t di naman tayo makabalik sa New Zealand. [ We’re grateful for the help, but we need a different kind of help. There is assistance available, but it’s jobs that we need. We have the jobs and positions, but we can’t return to New Zealand. ] SCAFFOLDER AKO KUYA. Ito na ata ang job na pang Pinoy talaga, dahil di tayo mauubusan ng naghahanap at tatanggap ng scaffolder. Basta may project, kailangan ng scaffolder. Nung pumalo ang level 4 lockdown, sandali kaming nag-alala dahil sabi ng bisor namin huwag munang pumasok until further notice. Nafollow-up ito ng managing director nung sinabi nyang tuloy lahat ng mga project namin, tatapusin lang itong Covid19. Tapos ng isang linggo, nalaman naming wala munang trabaho pero may sasahuring $585.80 less tax, ubos na sa $450 sa upa ng bahay, buti na lang may $100 ambag ang panganay ko, at nagpart-time si Mrs sa babysitter (tayo-tayo lang ha) para sa bill ng kuryente. Sa tutoo lang Kuya, bukod sa kinikita kong $900 neto, wala na kaming inaasahang income, at dalawang pamilya (ng bawa’t magulang namin) ang umaasa sa amin sa Pilipinas. Kung mahirap na ang buhay rito sa New Zealand, sampung beses siguro ang doble run sa aming mga probinsya. ***** ***** ***** Okay na sana nung bumaba ang alert level, halus normal na lahat at dahan dahang nagbubukas uli mga pabrika, negosyo at mga takeaway na matagal nating na-miss. Laking-gulat at nakakapanlambot na lang nung sinabihan kaming di na itutuloy ng aming employer yung project dahil naubos na ang pondo at di na pauutangin ng mga bangko. imbes na umayos ang sitwasyon namin tapos ng lockdown, sumama pa. Lalo kaming nahirapan nung natapos ang wage subsidy Kuya. Nung isang araw nag-anunsyo ang Gobyerno na magbibigay ng financial assistance pero sobrang kulang ito. Naisipan naming mag-apply sa Marlborough, pero nasabihan na kami ng mga kinauukulan na wag nang umasa pang mapalitan ang mga conditions sa aming mga work visa. At dito kami nauwi. Wala namang masama sa magsardinas , basta may mainit na sinaing at itlog sa umaga. Nagpapasalamat pa nga kami sa mga mabubuting luob na tumutulong mamigay ng delata, detergent, mantika at lahat ng pang araw-araw na kailangan. Di ko lang naisip na sa New Zealand pa kaming mag-anak magsa-sardinas dahil walang-wala na kami. So Kuya, wala kaming trabaho at di kami makauwi. Ayaw rin namang naming umuwi. May trabaho pero di kami allowed mag-trabaho base sa visa namin. At kung may ayuda man, di ito sapat kahit abutin ang kalahati ng aming pangangailangan. Kung nagmimilagro ang Diyos, ngayon na namin Sya linalapitan. Ang iyong kabayan, Bong and family. *****     *****     ***** Eloquent in its desperation, the letter says it all: not just Pinoys but all migrants will soon likely be in this situation. New Zealand before and during the covid19 lockdown may have needed you as productive and essential workers, but there’s nothing like the present. Between our citizens and permanent residents on the one hand, and temporary visa holders and guest workers on the other, who will be given priority where jobs are concerned ? Migrants understand the priorities of the New Zealand Government. But there is also the basic responsibility of looking after those who’ve faithfully served you all this time. Konting konsiderasyon lang. Thanks for reading!
Category :
Uncategorized
Related Posts

6 Comments On ““di ko inakalang araw-araw akong magsasardinas sa NZ kuya””

  1. There is a new policy for variation of visa amidst covid 19 pandemic. Dito sa New Zealand hindi ka mawawalan ng trabaho kung ikaw ay healthcare worker. Ang mrs mo brod pwede cya mag apply as caregiver.

  2. Let them check out Red Cross visitor care for temporary workers – foreignnationals.services.govt.nz

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!