Auckland Pinoys, New Zealand, OFW, Wellington Pinoys, Work

kulang pa rin ang kabayang masasagip ng One-Off

post thumbnail placeholder

[Note: two-plus months ago, in what it called the biggest change to immigration in decades, the Labour Government announced the One-Off Resident Visa pathway, partly in recognition of the adjustment required by the Pandemic, and partly in recognition of the urgent need to address unfairness to migrants held in limbo the last few years. Most, but not everybody is happy with the development. Thanks for reading!]

Dear Kuya Noel

Marahil ay nagtataka ka kung bakit sa gitna ng pagdiriwang at kasiyahan ng ating mga kabayan ay medyo matamlay ang pagdating nitong letter sa inyo. Lagi kong binabasa ang iyong mga blog tungkol sa buhay-buhay at nabibigyan mo ako ng pananaw na di ako nag-iisa sa aking paglalakbay bilang OFW sa New Zealand.

Alam ko, maraming matutulungan at masasagip ng One-Off Resident Visa na in-announce ng Gobyerno nung September na malugod na sinalubong ng karamihan di lang ng mga Pinoy kundi lahat ng mga migranteng matagal nang naghihintay ng magandang balita. God knows how much migrants have suffered and waited. At alam rin ng lahat na fully-deserving and happy ending lamang ang pagbigay ng residency sa mga libu-libong mga nagpapaikot ng gulong ng ekonomiyang NZ.

But not all have been so lucky Kuya to hit the jackpot of their migrant dreams. Dumating ako nung March 2019, isang taon bago magka unang lockdown. Kulang ng kalahating taong para pumasok sa 3-year rule ng One-Off Resident Visa. Sa haba nitong panahon , nag-ambag ako ng dugo pawis at luha sa ikabubuti ng aking employer, sa gitna ng 2 lockdown ni minsan ay di ako humingi ng pabuya kundi ang tamang sweldo at benepisyo ng work visa holder. Nagbayad ako ng tamang buwis, sinunod ko ang mga alituntunin ng employer at ng bansang kumupkop sa akin ng panahon ng pandemya.

I don’t want anything more or anything less than what I deserve, which is to be allowed to work in New Zealand. But what’s the difference between one who has worked here two years and his workmate, who has worked three? Di maiwasang isipin, pero napakasaklap malaman na dahil sa ilang buwang dagdag na stay ay magiging residente ang kapwa mo at ikaw ay hindi.

Heto pa. Makakapasok ka sana sa One-Off kung kumita ka ng $27 por ora, pero dahil sa ilang sentimo ay kapos na naman sa One-Off requirement, abot na sana ngunit di maabot ang pangarap. Tinimbang ka ngunit kulang. Tell me Kuya, anong diperensya ng $27 sa $25.80 na kinikita ng parehong worker, parehong employer at parehong posisyon kundi lang sa mataas ng bahagya ang hiningi ng isa? Nakakapanghinayang but that’s life.

Kaprobinsya kong nadestino sa Timog Isla (South Island) ay muntik muntik na ring makapasok sa biyayang ibibigay ng One-Off, pero kulang sa sweldo , kulang sa taon, at wala sa Scarce List na di naman makatarungan. Sinabi na mismo ng employer na magsasara ang kanyang negosyo kung walang mga migrante, at kailangan ng rural New Zealand na tumakbo ang mga industriya at mga maliliit na negosyo.

Masayang masaya kami para sa mga kabayang pinalad na mabigyan ng PR, everyone deserves a better life. Pero sana wag niyo kaming ibaon sa limot pag tanggap nyo ng pinapangarap na PR. Please don’t stop hoping and praying for us, because hope is all we have.

umaasa pa rin,

Joselito

Category :
Uncategorized
Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!