example, category, and, terms

ang lahing dapat pinakaiingatan sa workplace & pagkakaibigan (the group you guard against the most)

post thumbnail placeholder

dear Kuya Noel:

Baguhan ako sa trabaho at kararating lang sa siyudad tapos ng orientation at training sa head office. Malaking pabrika ang napasukan ko, at maganda ang samahan kahit iba-iba kaming lahi rito.

gusto ko sanang isangguni sa yo kung may lahing dapat ingatan o iwasan kung sakaling ayoko munang mahalo sa intriga o chismisan. Gusto kong habaan ang pag-stay ko rito sa New Zealand, magpadala ng pera sa aking mga magulang at kunin na rin ang aking pamilya sa madaling panahon.Itong work visa at aking trabaho ang aking tanging yaman. Salamat, Bong

Dear Bong:

Maraming maraming salamat sa iyong tiwalang humingi ng payo at karanasan sa aking, isang hamak na OFW tulad mo at nagsisikap pa ring ipatupad ang pangarap nating lahat, na pagandahin at paginhawain ang mga buhay ng minamahal at mag-anak na naghihintay sa Pilipinas.

[ thanks very much Bong for your trust in asking for advice and experience from us, a mere OFW chasing the dream for ourselves and our families, just like you.]

Di madaling sagutin ang itong tanong linapit mo sa akin. Sabay na rin dito, ok lang bang Taglish na lang ang sagot ko sa yo, dahil mas ginagamet ko ito twing may gusto akong i-communicate sa kabayan dito sa hamak kong blog.

[ It’s not that easy answering your question. Is it alright to use Taglish to answer you? I do this when best communicating to our kabayan.]

Imbes na ituro ko sa inyo ang mga lahi o grupo na dapat iwasan kung ayaw mong makihalo sa intriga o chismisan, magbibigay na lang ako ng mga tanong na dapat tanungin kung gustong alamin aling grupo or lahi ang dapat iwasan.

do they keep to themselves? or nakikisalamuha sila sa lahat ng lahi? there’s nothing wrong with people of the same ethnic group keeping to themselves or limiting their socializing among their race and cultural group.

but it’s better to see people making friends and interacting with other people and colleagues regardless of where you came from or what your origins are. It shows a more welcoming and inclusive attitude that makes life at work easier and something to look forward to.

Mapapansin mo naman ito Bong kung sinasama ka sa biruan at kwentuhan kahit na di ka pa masyadong kilala. Kung masyadong namimili sila at nagbubuklod nang sila-sila lang, kilalanin mo sila nang mas mabuti muna.

[You’ll easily notice this Bong when they include you in chats and jokes despite your newcomer status. If not, and would rather keep to themselves, get to know them a little more. ]

pinaguusapan nila di lang ang ibang lahi kundi ang kanilang sarili. familiar ka ba Bong sa kasabihang “keep your friends close, but your enemies closer?” Ang ibig sabihin nito ay di lang ang kaibigan ang dapat kilalanin nang mabuti kundi lalo na ang kalaban.

Mahahalata mo ito dahil minsan ay kunwaring concerned sila sa kalagayan ng ibang tao, pero ang katotohanan ay gusto lang nilang gawan ng chismisa o intriga ang mga pinaguusapan. Human nature ito, hindi dahil masama sila.

Dahil mas madaling pagusapan ang mga problemang pamilyar sa yo, mas madaling pag-usapan ang kalahi.

mas madali nilang hamakin ang sariling kabayan. Pwedeng mas mataas ang standard nila para sa sarili nila . Pwedeng ayaw nilang mapahiya ang lahi nila sa mata ng ibang tao. at kung anu-ano pang dahilan.

Pero ang realidad ay mas madaling pulaan ng magkakalahi dahil mas madaling punahin ang pagkukulang ng isang tulad mo. Dagdag pa rito, di na awkward pagusapan kung kilala mo ang tao. So, mas madaling tirahin o macriticize ang isang kalahi.

[ But the reality is, it’s easier for members of the same race to criticize each other because it’s natural to know one’s own faults and shortcomings, especially up close. It’s less awkward to talk negatively about someone you know well. Specifically, one from your own backyard. ]

***** ***** *****

Marahil Bong ay alam mo na kung sino itong lahing tinutukoy ko. Di ko naman sinasabing iwasan mo sila, dahil napakahirap nito. Huwag mo sana silang lahatin, iba-iba rin ang bawa’t isa. Pero mag-ingat ka na lang at huwag ka masyadong magtiwala.

God bless always.

Category :
Uncategorized
Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!