Filipino, news, Philippines, story, Tagalog

surviving IELTS – karanasan ng OFW

post thumbnail placeholder

[ Note: Please, huwag sana isipin ng Reader na nagmamalaki o nagyayabang ang inyong lingkod na blogger, gusto ko lang ishare ang aking experience lalo na’t nagiging usapin ang IELTS at related exams ngayon sa Pinoy community. Nothing in this post should be considered legal or immig advice, thanks for reading! ]

I’M VERY SORRY, but only passports are an acceptable form of identification”, sabi ng test person sa akin. Wala akong dalang passport, kaya nag Uber ako pabalik sa bahay at balik agad sa testing site. All along iniisip ko yung mga sinabi ng mga exam candidate ko: take 2, take 3 na ako Kuya, medyo mahirap ang Listening portion, at nakakapagod (4 hours) ang exam, pero laban lang.

Laban lang, pero hahabulin ko muna yung time limit na binigay sa akin ng IELTS proctor.

***** ***** *****

Kailangan kong linawin, hindi IELTS ang kinuha kong exam kundi ang equivalent, ang Pearson Test of English (PTE) exam. Ginawa ko ito dahil di kasing hirap at yun ang pinaka-malapit sa schedule ko, advise ng immigration adviser namin ni Mahal. Shine-share ko lang ito dahil sa bagong requirement na ipinataw ng National Government ng New Zealand tapos tumanggap ng 130,000+ na bagong dating, at di na raw kayang Work Visa status na ganun kalaki.

Before you apply for the RV, get the IELTS out of the way, sabi ni adviser, and among other things asked me if I had $400 plus tax, not a small amount, but a necessity if I were to continue with my journey of migration.

***** ***** *****

The test is divided into four areas: Listening, Reading, Speaking and Writing.

Sa Listening, makikinig ka sa isang paragraph na babasahin sa yo from an audio file. Pagkakwento sa yo, bibigyan ka ng mga tanong na sasagutin mo base sa mga napakinggan mo sa kwento. Obviously, dahil nga Listening ang pagsubok, walang codigo o text na pwedeng asahan para sa mga sagot.

Halimbawa: Babasahan ka ng paragraph tungkol sa byahe mula Manila hanggang Baguio, kasama na ang mga bayang dadaanan mo, mga stopover at mga magagandang tanawin. Mga posibleng tanong: ano ang unang bayang mararating paglabas ng Metro Manila? Ano ang stopover sa gitna ng biyahe? Ano ang magandang tanawin bago umakyat sa bundok ? Et cetera. Halimbawa lang ito, walang previous knowledge ang kailangan mo, lahat ay base sa ibabasa sa yo ng audio file.

Definitely, mas madali ang Reading, may ipababasa naman sa yo at tapos ay tatanungin ka base sa mga kwentong nabasa mo. Di masyadong mahihirapan ang mga kabayan rito dahil sanay naman tayo from our elementary and high school studies.

Unfortunately, ang susunod ay ang Speaking part ng exam, at dito hirap ang mga kabayan natin. Literally, pababasahin ka ng ilang mga paragraph ng common, everyday English at may time limit ito. Ige-grade ka sa linaw ng pagbigkas at tamang pagbaybay ng Ingles sa luob ng time na nakatakda.

Sa personal na karanasan ko, di naman ako nahirapang masyado sa Writing section (pang-apat). Papa likhain ka nila ng maigsing paragraph o kwento na parang sagot sa tanong nila, for example, write how you might prepare your favorite dish in simplest terms, ganon.

For now, mapapayo ko lang na maghanap tayo ng mga kakukuha lang ng mga IELTS o Pearson, at humingi ng tutorial. Meron ding mga tutorial course, di ko lang alam kung magkano sya online.

***** ***** *****

After a crazy Uber ride and several near-misses, nakarating rin ako sa testing site in 45 minutes, dala ko na ang passport. Thank God, pumayag ang proctor na paupuin ako uli sa exam. Humabol at humabol ako sa mga nauna sa akin, nangangalahati na yung iba.

Nakatulong sa akin na four hours yung exam at may five minutes na rest period between the four major sections.

Dahil siguro sa adrenaline ko at sa hilig ko magbasa, natapos ko yung exam.

***** ***** *****

Kahit bulakbol at iskul bukol, di ako absent nung tinuro ng guro mga natanong that day. Naipasa ko yung exam. Expected ko na, mababa ako sa Speaking, pero OK naman sa ibang sections.

Maipapasa mo rin kabayan ang IELTS o Pearson, pero dapat mong paghandaan. Walang imposible kung kakayanin.

Pakisend lang sa comment section sa ibaba kung may mga tanong. Ise share ko kahit anong naalala ko, pero the rest is up to you. Pagpalain sana tayo ng Diyos.

Thanks for reading!

Category :
Uncategorized
Related Posts

3 Comments On “surviving IELTS – karanasan ng OFW”

    • no Judith, at the time I was a Work Visa holder and desperate to apply for permanent resident status. the odds were against me, and one of the requisites was to sit and pass the IELTS exam or its equivalent. 🙂 thanks for the comment and sorry for the very late reply,

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!