
[
Note : konting-konti na lang duduguin na po ako. Thanks in advance for reading ! ]
Dear Ms and Mr
call center agent :
SINIKAP kong umiwas gamitin ang wikang banyaga dahil medyo maselan itong paksang hinain ko. Pinapaalala ko lang na dati nang baluktot ang aking log-Taga and kung si
Gat Joey ang batayan, matagal na akong
mas mabantot sa malansang galunggong. Halos nabaon ko na rin sa limot ang
Bikol ng aking kamusmusan at matagal ko nang tinabla ang mainit na pag-anyayang pagsasanay ng
Cebuano at
Ilokano sa aming kapatiran. 🙂 Pipilitin ko pa rin, paumanhin na lang kunsakali…
*** *** *** *** ***
Una sa lahat tinitingalaan naming mga kabayan nyo kayong mga
call center agent bilang mga bayani ng bagong milenyo. Dahil sa inyong angking talino, likas na talento at katutubong diskarte, di nyo na kinailangang mangibang bayan pa para payamanin ang Inang Bayan. Sa pamamagitan ng inyong pawis at dugo, pinatataba nyo ang Kabang Bayan, umasenso ang komersyo, at nabibigyang pag-asa ang susunod na salinlahi nating mga
Pinoy.
Bilang pabuya sa inyong pwersa at kayod, di naman kayo napapabayaan sa pag-aaruga ng inyong mga pamilya. Madalas ay nabibiyayaan kayo ng higit pa sa kaukulang sahod at insentibo kapalit ng inyong galing mag-
Ingles and pakikitungo sa mga banyagang kausap sa
Avaya.
*** *** *** *** ***
Dito sana ako tatawag ng kaunting pansin kung inyong mamarapatin. Nung nakaraang linggo ay may lumabas sa
pahayagang internet na may isang tumawag sa call center para magbayad ng phone bill, napilitang magbigay ng credit card number at mga detalye. Sa kanyang susunod na statement, sinawing palad at nabill sya ng NZ$1500 sa
transaksyong ginawa sa piso. Iimbestigahan pa ang insidente pero ayon sa call center, di ito ang unang pagkakataong naabuso ang pagtiwala ng kliyente sa ahente.
At yun na nga ang susi sa buong usapin ng call center o
business process outsourcing na
sobrang biyaya ang naidudulot sa atin.
Tiwala o pahintulot na binibigay ng isang tao sa pangalawa para hawakan ng huli ang pag-aari ng una. Ito ang ugat ng halos lahat ng transaksyon ng call center, outbound man o inbound. Kapag nawala ang tiwala ng tao sa call center agent, malalagay sa peligro ang buong industriya sa Pilipinas na binubuo ng mahigit-kumulang 30,000 agents, na kumikita ng halos US$12.2 bilyon sa bayan, negosyo at sambayanan.
Sapaw nito ang usaping hanapbuhay o industriya na kinakasangkapan ng libu-libong Pinoy at kanilang mga pamilya. Imahe natin at magandang pangalan ng Pinoy bilang global citizen ang nakakabit sa reputasyon ng industriyang call center.
Tulad ng bawat hagupit ng kamao ni Manny P, at bawat nota na binibirit ni
Charice, tinataguyod natin ang galing at sipag ng Pinoy sa lahat ng ating gawain , bilang
OFW, call center agent, caregiver, nurse, seaman, construction worker o anu pa man ang trabaho natin.
Walang singsarap ang marinig ang puri sa atin lahi twing may nagagawa tayong tama, galing o ganda.
Sa kabilang dako naman, walang sing asim o pait kapag may narinig tayong puna o batikos tungkol sa ating kahinaan sa tukso, katusohan o kagulangan.
Mabuhay kayong lahat !
“Imahe natin at magandang pangalan ng Pinoy bilang global citizen ang nakakabit sa reputasyon ng industriyang call center.”
We were serving our tour of duty side by side on an Avaya five years back. Its a shame to hear this kind of unsavory act.
I thank you for sharing. More power man… err… mate! From Nigeria (NG) to NZ.
It’s my pleasure drakiebomb, regards to you and kabayan in sunny Nigeria. Thanks for visiting our site !
Nakakalungkot na isipin na dahil sa ilang bulok na kamatis, ang buong tiklis ay madadamay sa kanilang kabulukan.
tama ka riyan kabayan, salamat sa iyong comment 🙂
Noel, nakakalungkot talagang malaman at maibalita ang ganitong mga pangyayari. Ako din ay nagtrabaho sa call center – “telecommunications” at iba ang aking pakiramdam pag ganito ang nababalita. Alam ko kung papaano bigyan ng financial na pabuya ng kumpanya subalit merong yata talagang tao na hindi makuntento gaano man kalaki ang perang kinikita at pag natukso ay gagawa ng hindi maganda. Ang call center agents ay mas malaki pa minsan ang kinikita kaysa sa ibang propesyon. Anupaman ang kahinatnan ng imbestigasyon, nawa ay mas dumami ang gagawa ng mabuti at huwag magsawa sa paggawa ng mabuti para sa ikabubuti ng imahe nating mga Pilipino. Mabuhay po kayo at ingat lagi.
100% sang-ayon po ako sa mga sinabi mo & inalay mong opinyon Liza. Maraming salamat sa iyong comment at ingat din 🙂
Noel, mahusay naman ang iyong log-Taga, nasisiyahan pa rin akong basahin ang iyong “blog”. Nakalulungkot lang malaman ang di kanais nais na pag-uulat tungkol sa ating bayan at sa ating kababayan. Sana di na maulit pa ang ganitong pangyayari. Kahit malayo pa, di ko maiwasang di ma-apektohan. Salamat sa iyong mga pagsusulat.
🙂 maraming salamat Malou and sa mainit mong pagbati at papuri, nawa’y di na nga maulit itong insidenteng nakakabagabag sa bawa’t Pinoy sa luob at labas ng bayang minamahal. Walang anuman po. Regards to the family !