Life and love

,

Migrant Life

,

Pinoy migrant

Anay sa Laman

Warning : mature content below. If you are a minor below 18 years, patnubay ng magulang ang kailangan. Parental guidance strongly advised.

Dear Kuya Noel : Sa buhay mag-asawa, sari-sari ang pagsubok na dumarating araw-araw, buwan-buwan at taon-taon. Merung simpleng challenge, meron ding seryoso at bukod-tangi sa lahat ng pangkaraniwang pagsubok sa ating landas.

My husband and I are both OFWs. We are survivors of previous relationships and have children from our respective marriages. It wasn’t a problem because we were both open-minded with each other, and weren’t expecting a picture-perfect relationship to begin with. We also know that we can’t go abroad at the same time to have someone to care for and look after the welfare of our kids.

So di kaming nagsasabay itrabaho ang contract namin, pasix months six months lang although may overlap kami both in the Philippines and our host country. Kailangan din naman ng family bonding na kasama both parents, and of course para maattend din mga important events tulad ng graduation, recognition atbp.

***** ***** *****

The problem started nung matagal tagal kaming di nagkita, halos kalahating taon syang nadestino sa malayo, ako naman lumarga din agad pagbalik nyang Pinas. Nabawasan na rin namin ang bonding at kumustahan, panay trabaho na lang at pagkita ng salapi dahil sa walang katapusang gastos para sa pamilya lalo na ng mga bata.

Oo, lumaki nga ang kita nya dahil dumami ang katungkulan nya, pero di ko naman nakikita kung saan napupunta ang dagdag na sahod. mailap na rin sya at di na makwento sa kanyang araw-araw na schedule at gawain. Dati ay kilala ko lahat ng mga barkada nya sa trabaho at twing oras ng kainan ay nagzuZoom sya para makita nya kaming lahat at magrereport na ng kanyang araw. Itong huling 6 na buwan ay ni ha ni ho sa akin ay wala na, ni di man lang nya makuhang kumustahin ang mga bata. O ako.

Akala ko maaayos namin at muling masisindihan ang apoy ng damdamin nung finally, naischedule nya ang long leave, first since tinaasan sya ng pwesto sa kompanya. Laking gulat ko na lang nung halos di na sya nagparamdam sa mga kalabit ko twing nasa silid kaming nag-iisa, nasabihan ko pa nga mga batang wag kaming istorbohin ni Daddy nila dahil, alam mo na. Nakaintindi naman ang mga bata.

Baligtad na ang mundo Kuya N: napapayag ko syang makipagtalik (dahil tigang na rin ako) pero may hiningi syang special request na ni minsan ay di ko inasahang hihingiin nya: gagawin lang daw nya ang gusto ko kung papayag din akong ivideo namin ang sex namin. Sobrang namangha ako sa request nya. pero naconvince ako nung dinagdagan nyang mga “special scene” lang daw ang ibi video nya, para lang sa kanya ito dahil di na kalakas ang sex drive nya.

Yung panahon na intimate kami Kuya Noel ay sobrang nanlumo ako sa sarili ko. Alam ko na nabigyan ko sya ng satisfaction sa pagpayag ko ng video sex, pero parang natunaw at nanliit ang pagkatao ko. Kung anong pag-atras ko ay sya namang pag sulong nya ng kanyang kainitan, parang nalimutan nya ang lahat ng panlamig at tampuhang namagitan sa amin. Sayang saya rin sya nung pilit kong ginawa yung mga nakikita ko sa mga “adult” movie na pinwersa nyang panuorin namin. Parang sa luob ng kalahating taon ay naging stranger na sya sa akin. Di ko na sya kilala.

Dahil nga nabuhay muli ang aming sex life, umulit pa ng ilang beses ang paglambing nya, pero may halo na itong feeling na parang ginagamit na lang nya ako at nabawasan na ang pagmamahal, libog na lang. Imbes na mabawasan ang alinlangan ko ay lalo akong napaisip: bakit kaya sya naging ganito? Natural lang ba ang pag-evolve ng sexual turn-on nya or may mitsa or trigger ng pagbabago nya?

***** ***** *****

Di ko alam kung ano ang umudyok sa akin Kuya N pero dahil may konting kaalaman ako sa I.T. at sa gadget, nakuha kong makialam at magbukas ng smartphone nya, ayokong makialam ng gamit ng iba pero antagal naming namuhay ng hiwalay sa isa’t isa. Feeling ko, may karapatan akong makialam sa mga bagay na di nya shine-share sa akin.

Ewan ko kung anong kamay ng anghel (o demonyo) ang nagturo sa akin, pero napunta ako sa mga video file .

Malinis lahat at empty ang folder ng mga video. mas nakakagulat ito kesa kung may laman, dahil ang ibig sabihin ay na delete nya ang mga video dito.

Naaccess ko naman agad ang mga deleted file nya, at parang gumuho ang mundo ko Kuya Noel nung nakita ko ang mga video.

May babae pala sya, at twing nagtatalik sila ay, tulad ng gawain nya sa akin, vini video nya ito.

Obvious na suking-suki na sila sa gawaing ito, dahil di lang dose dosena ang mga video nila kundi may mga edited at “compilation” pa sya nito.

Either nailipat na nya ang mga original nito or nagmadali syang nagdelete ng mga video bago sya umuwi ng Pilipinas.

I confronted him at ni hindi na nya tinanggi ang mga ginawa nya, nakuha lang nyang gawin ito dahil sa tindi ng init ng katawan at dahil di na raw sya nate turn on sa pangkaraniwang sex namin. Yung ang dagdag na dagok na binigay nya sa pagkatao ko. Wala na akong nagawa kundi umiyak hanggang maubos ng luha ko.

For now, everything seems floating and I’m in a daze. I didn’t ask him to apologize and he didn’t ask for forgiveness. Sinabi lang nyang kakausapin na lang nya yung girl. Di ako sumagot pero parang wala na ring akong nararamdaman para sa kanya.

Andami ko pang sasabihin Kuya Noel, pero gusto ko ring malaman: ano ang gagawin mo kung ikaw ang nasa kalagayan ko?

Category :

Uncategorized

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!