Filipino migration

,

migration

,

New Zealand

,

OFW

,

Philippines

,

Pinoys in NZ

ang di nagegets ng NZ tungkol sa migration (what NZ doesn’t get about migration

MAY KILALA SI MISIS, late last year, kararating lang ng asawa at mga anak sa NZ, kakaissue lang ng three-year work visa, at kakabenta lang ng lahat ng munting ari-arian sa Pilipinas. Kakaenrol lang ng mga anakis sa mga bagong eskwela tapos matanggap ang hinihintay na mga transkrip mula mababang paaralan ng Pinas. Kakastart rin lang ng rent contract sa bagong flat para ma-accommodate ang dumating na mag-anak ng visa holder na kakilala ng aking maybahay.

Boom, di pa lumipas ang ilang linggo, parang hinampas na ng kalupitan ng realidad ng buhay New Zealand.

Walang sabi-sabing di na nagbukas ang opisina ng employer isang Monday, inanunsyong lugi na at magsasara ang kumpanya, ni hindi nabigay ang huling sahod ng mga work visa holder na mga kasama ng kakilala ni Misis at , heto pa ang masaklap, kundi makahanap ng bagong employer, mapapauwi ng di-oras ang buong pamilyang nananahimik at binaligtad ang mundo, makarating lang ng New Zealand.

May konting panahon makalipat sa ibang employer, may konting panahon pa para mag-adjust ang mag-asawa at mga anak, pero antinding dagok sa kapalaran na natanggap ng visa holder at kanyang pamilya na rin. In the end, naiwasan pa rin nilang masipa at mapalabas ng New Zealand, but others are not so lucky.

Although karamirahan ng mga minalas ay mga builder or nasa construction industry, marami ring nasa healthcare , hospitality at IT industries ang nahihirapan sa labour market.

***** ***** *****

Mga 10 years bago ako nakarating ng New Zealand,  ang kwento sa akin ay walang konsepto ng job loyalty ang mga Kiwi o New Zealander.

If for any reason, kailangan silang umalis o tumigil sa kanilang trabaho, same day ay makakahanap sila ng kapalit na trabaho.

Resign Monday, same day hired, start new job Tuesday. Dahil sobrang konti ng tao at laging may vacancy, hindi problema ang maghanap ng job.

Fast forward to my arrival, late 2000s. 

Di  na madaling maghanap ng job, dumami na ng migrants, sumabay pa ang Global Financial Crisis (GFC) ng 2008. Idagdag mo na rin dito ang pagbalik ng katutubong New Zealander na nawalan ng work sa Australia pagkatapos ng sunod-sunod na di inaasahang pagbagsak ng mga higante ng mining industry.

Awa ng Diyos, umayos din ang krisis. Nag-umpisang maghiring uli. Tumaas ang demand across all industries, agresibong nagrecruit ng mga skilled na kabayan sa Pilipinas at sa Middle East. Ang panlaban lagi ng recruiter, long-term ang pananaw ng hiree / worker, di lang mataas na sahod. Susunod agad ang pamilya at yung inaasam na sabay-sabay tumanda at magdevelop ang pamilya ay mapapabilis kapag nagwork visa sa New Zealand.

Nakialam ang tadhana, muntik nang naging pandaigdig na apocalypse ang COVID. bumagsak na naman ang ekonomiya, bumagsak ang mga negosyo at industriya, at bumagsak uli ang hiring.

Nastranded ang may work visa rito. Sa kabilang dako, mga lalarga na sana papuntang NZ, naudlot pa.

Down ang hiring sa builders (construction), down ang hiring sa healthcare, at milagro na kung makahanap ka ng job sa IT industry na bagong dating ka mula Pinas. It’s too hard to go through all the hiring processes, get shortlisted and pass the final interview. Sad to say, uunahin ang may experience, may NZ work experience, at yung di na kailangan ng too much training.

Ngunit meron namang maaasahang silver lining sa gitna ng dark clouds of New Zealand economy.

Bababa ang mga interest rates. Bababa ang cost of business. Tutoong maraming bagsak na negosyo, pero mapapalitan ang mga to ng mga bagong business, sisigla ang ekonomiya, at tataas uli ang hiring.

Sabi nga ng dating Immigration Minister, without immigration the outlook is bleak, at rinerelate nya ito di lang sa mga trabahong kailangan ang migrante kundi ang kontribusyon at pondo mismong binibigay ng mga migrante sa New Zealand.

Ang di ata naintindihan ng karamihan sa gobyerno, na tulad ng Dubai, tulad ng Singapore at tulad ng iba-ibang bansang dinumog ng migrante (di lang Pinoy), migrants ang nagpapaikot ng ekonomiya. Kung pinapasweldo tayo nang maayos, binabalik din naman natin ang ating kita sa negosyong kung saan nandun tayo. Maayos tayong sumusunod ng mga alituntunin, at most important, nagbabayad tayo ng buwis. Buwis na nagpapatakbo ng lahat ng polisiya at pamamalakad ng gobyernong tinutuluyan natin.

Kapag tinanggal mo ang migrants dito, anlaking mawawala sa consumer spending, pagbili at pananatili ng mga bahay at real estate, at wala nang mag-aalalay sa Kiwi sa kanilang mga primary industry rito sa New Zealand.

Kung kailangan natin ng New Zealand, kailangan din tayo ng New Zealand, mga kapatid.

Category :

Uncategorized

Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!