(this blog is in Taglish.)
As usual, heto na naman tayo sa mga scenario at kwentong kuchero.
May liga (weekend basketball) kaming dinadalaw nun nung kararating ko lang sa New Zealand 2010s. May isang mahusay maglaro na laging kinukuha ng mga sponsor ng team. May “laro” raw sya (he got game) – shot creator, magaling magdala ng bola at matalas pumasa. Di sya nawawalan ng team, kahit puno na ang roster.
Minsan, di na sya nagpakita ng dalawa, tatlong weekend hanggang tuluyang napalitan na sya sa roster. Hinanap agad sya ng mga kapwa manlalaro at mga fans nya. Ang nangyare, isa sa dalawa: either nakabuntis sya at ayaw panagutan, or dahil sa bisyo ay nagkautang ng libo libo. Utang na kanyang tinakbuhan.
One thing was sure: ano man ang ginawa nya or nangyari sa kanya, tumawid sya or “crossed the ditch” ika nga, at nasa malaking syudad sya ng kapitkwartong bansang Australia.
Footnote: huling balita ko, tinalikuran na at never na syang bumalik pa sa New Zealand.
***** ***** *****
Dun sa Pilipino store ng barangay namin sa Wellington nung 2010s, may nagpaskel ng FOR SALE, MAZDA DEMIO na di naman modelo pero di rin antigo. Matino at matipid ang brand at make na ito, pero amproblema ay kaliitan sya at di bagay sa mga may 3 pataas na anakis. in short, pang maliit na mag-anak lang sya or wala pang anak.
Itinuro kami ng may-ari ng tindahan sa pangalan at celpon ng seller, serious queries lang daw. Medyo nagulat kami nung nakausap namin yung “seller”, di pala sya ang owner kundi bespren at kababayan lang. Nung naview namin at kinumusta yung original owner, nakwento nung may hawak ng carkeys na kakaalis lang at nagmadaling mangibang bansa ito sa. Kailangan na syang magstart ng kanyang trabaho sa Sydney. Mas laking gulat namin nung tinanong namin ang presyo ng Demio: 50% na lang o kalahati ng market value, pinapabayad na lang ang balanse sa financing.
Wala nang balak pang bumawi pa yung may ari sa nabayad nya, gusto na lang nyang malinis ang credit score nya sakaling bumalik pa syang NZ. Nakinabang na rin sya sa car na wala pang 5 taon at kung may makikinabang pa ay sana kabayan na rin.
We ended up buying the car, paying the balance from the car financing, and even reached out to the original owner to thank him, and wish him well on his fellow migrant journey.
Last we heard, he had no intention of coming back to New Zealand. Maybe just to visit.
***** ***** *****
May kilala kaming 3 magkapatid. Teens na sila nung nakarating ng New Zealand, at sinwerteng makapag Uni (university) ang dalawa, habang yung panganay nakatapos na ng IT course sa pinas. Sunud sunod silang nakapag avail ng reciprocal Working Holiday Visa ng NZ-UK at nag remigrate sa London.
Yun ang mga taong 2018, 2020 at 2024. Kundi pa nagka lockdown ay mas maaga pa yung bunso. Sari-sari ang dahilan nilang magmigrate sa London : night life, para lumago ang oportunidad sa karera, at mas mataas na sahod.
Tulad ng karamihan ng nagremigrate, wala na silang balak pang bumalik sa NZ.
Medyo mixed emotions ako dito sa kabayan ng huling scenario.
Ang dahilan? Anak ko silang tatlo, at mula nung umalis sila ay di ko na silang nakita muli.
***** ***** *****
Maraming dahilan kumbakit sa ganda ng buhay dito sa New Zealand ay nakuha pang magremigrate ng ating mga kabayan sa ibang bansa: finances, better career prospects, love at kung ano ano pa.
Sa ibang blog ko na siguro tatalakayin ito. Ang masasabi ko lang for now, ay nagiging problema ito para sa New Zealand, sa di lang isang aspeto.
Para sa mga kabayan, malaking usapin din ang pagiging “stepping stone” ang New Zealand papuntang tinuturing na Kuya or Ate na bansang Australia na very similar sa kultura, wika at demographics kung ikukumpara sa New Zealand.
Ang nagiging tanong din sa remigrants ay may tinatanaw ka bang utang na loob sa New Zealand na kumupkop sa yo para iwanan mo lang ito papuntang Australia?
Welcome po lahat ng comment at sarili nyong kwento tungkol sa remigration.