Filipinos in NZ, Picton tragedy, Pinoys in Wellington

kung kayang magbigay nang walang panghuhusga

post thumbnail placeholder
TO DONATE TO PICTON CRASH VICTIMS : Give a Little page, givealittle.co.nz

[ PAUNAWA : A very sophomoric attempt at reaching the greatest possible number of kabayan using our beloved Tagalog, please be gentle in judging (pun intended)]

ALAM NG KARAMIHAN NG ating mga kabayan na bukod sa ating sariling lahi, dalawang lahi lang ang mas malaki sa atin sa New Zealand, kung bilang ng migrante (migrant population) ang sukat.

Dahil dito, di ko na babanggitin kung sinu-sino sila. Malamang Precious Reader ay kilalang-kilala mo na sila.

Gusto ko lang kumpirmahin sa ating lahat na marami tayong negatibong mga pananaw o opinyon tungkol sa kanila: di magandang mga asal, pagiging mayabang, or mga prinsipyong di laging nakahanay sa ating Pinoy values (di ako makahanap ng eksaktong pagsalin sa Tagalog) tulad ng pagiging materyalistiko, walang takot sa Diyos, etc.

Tama man o mali, napansin ko na kapag isa sa kanila ang nasapitan ng trahedya o sakuna, walang sabi-sabi at nagbibigay ng tulong at saklolo ang buong komunidad sa mga sinawing palad.

Personal naming nasaksihan ito sa aking mga kaibigan sa Pilipinas at dito na rin sa New Zealand. Di namimili at di humuhusga itong lahi; basta nangangailangan ng tulong ay binibigay ito.

Dalawang lahi ang aking tinutukoy. Yung isa pang lahi na mahihilig sa mga maaanghang na ulam, ganun din. Mayayabang sila at akala mo kung sino kapag nagmamamalaki , walang pakialam kung ang nagyayabang sa harap ng kalahi o hindi, ay nagbubuklod din sa mga panahon ng trahedya at sakuna, walang pinipili bago tulungan.

***** ***** *****

Sana ay ganito rin tayo. Sana ay huwag na tayong mag-comment ng maaanghang or masasakit na salita sa social media lalo na kung walang pagkakataong sumagot ang mga biktima o pamilya ng trahedyang ito. Ito ang klase ng aksidente na bangungot sa kahit sinumang apektado, lalo na kung halos lahat ng buong mag-anak ay maglaho sa isang pikit-mata lamang. Lahat ng mga detalye ng kakulangan at pagkakamali ng ating kabayang pamilya ay naisiwalat sa peryodiko ng New Zealand , at alam na natin mga pangyayaring di na sana nangyari.

Pero nangyari na. At wala nang dapat gawin kundi ibigay lahat ng ating kayang ibigay, dahil sobra na ang pinagdaanan nitong pamilyang ito.

At kung pwede sana, wag na muna husgahan ang ating pobreng mga kabayan.

Category :
Uncategorized
Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!