Immigration, one-off Visa, Pinoys in NZ, working in NZ

kung papano papawiin ng One-Off ang alinlangan ng ating mga kababayan

post thumbnail placeholder

[Thank you for reading kabayan and friends. An English translation of this post will soon follow, mabuhay! ]

NAKAKARELATE ANG KARAMIHAN ng migrante, di lang Pinoy, nung inanunsyo ng Labour Government ng New Zealand ang One-Off Resident Visa nung 29 Sept para sa mahigit-kumulang na 130,000 panauhing manggagawa (guest worker) na matagal nang napabayaan ng tadhana.

Marahil ay may kilala kang kahit isang WV holder na di nauubusan pagsubok (pisikal, mental o emosyonal) dahil sa hilaw na status dito sa NZ. Umaambag ka sa produkto at yaman ng NZ, subalit di ka naman kasama sa lahat ng benepisyo. Nagbabayad ka ng tamang buwis, pero di lahat ng serbisyo ay iyo.

Di maitatatwang sa gitna ng biyaya at kaayusan ng buhay rito sa NZ na laging may alinlangang nakadikit sa pagiging work visa holder. walang kasiguruhan ang iyong status at may peligrong uuwi ka twing renewal ng visa taun taon.

Pagpawi ng isyung seguridad ng work laban sa mapansamantalang employer. Kapag kasama mo ang iyong mag-anak at ito’y madagdagan ng bagong miyebro, di mo alam kung maitatawid mo ang iyong mag-ina sa gastos ng panganganak at post-natal care kung sakali.

At kung minalas at ikaw ay sapitan ng sakit na malubha, di mo matitiyak na mabibigyan ka ng gamot at lunas para makabalik sa kalusugan.

karamihan ng haba ng Work Visa ay isang taon lamang, meaning kapag nabigyan ka ng bagong Work Visa ay malamang extended na ang previous Work Visa mo, meaning 11 buwan na lang ang natitira sa iyong WV.

mabuti kung maayos at desente ang iyong employer at wala kayong masamang tinapay sa inyong relasyon. Hindi sasamantalahin ang delikadong sitwasyong ng karaniwang WV holder

Alam ng employer na nakasalalay ang iyong pagtrabaho at pagtira sa NZ sa iyong visa: no Work Visa, no stay in New Zealand. Hindi lahat ng employer ay matino. Di pagbayad ng Overtime, at kung minalas di pagbayad ng tamang sweldo. Pipilitin ka pang magtrabaho ng labis na oras at work na di linahad sa kasulatan. At kung nagreklamo ka? Sabihan ka lang ng “you know what happens when you don’t get a visa next year, don’t you?” at sapat na yon para matahimik ka.

di naman lahat ng employer / kumpanya ay malupit or mapagsamantala. pero dahil sa maselang status ng work visa holder, napakadaling apihin ang ating mga kabayang obrero rito sa NZ.

Gastos maternity. may kasama ako dati sa pabrika sa Wellington nung nalaman nyang nagdadalang-tao na ang kanyang maybahay, natural lang naman at mag-asawa silang edad 20s.

lubos ang galak at kasiyahan sa dalawang panig ng RP-NZ subalit di mawala ang pagaalala: saan kukuha ng pangtustos ng duktor, ospital at gamot na kailangan sa panganganak at alaga ng mag-ina?

Mabuti na lang at naka 2 taon na yung kabibigan kong work visa holder at buo ang pagsagot ng lahat ng gastos, pero paano kung di pa naka abot ng sapat na panahon ang worker? Parang basang sisiw na lang ang ating pobreng kabayan na walang maaasahan kundi sarili nila.

Aksidente o sakit. Kung dahil sa iyong trabaho at gawa ay nagkasakit o napinsala ka, at ikaw ay WV holder pa lamang, di mo alam kung covered ka ng arugang medikal (medical care) at physiotherapy na kailangan mo habang gumagaling ka. Buti na lang kung naaksidente ka at sagot ng ACC o insurance, pero kung sakit ito o impeksyon, may tsansang sagot mo o pagbabayaran mo ito pagnaumpisa ka nang magtrabaho uli.

Masakit ito dahil lahat ng lakas at galing mo ay ginamit mo sa paglilingkod at ikaaasenso ng negosyo ng iyong boss o employer Diba tama lang na sagutin nila ang iyong paggamot?

Ito ang naging suliranin ng maraming kabayan ng work visa holder na minalas maaksidente o magkasakit. Sagot ng kumpanya ang kanilang gastos medikal at panggamot, pero sa umpisa lang ito.

***** ***** *****

Sa isang idlap ay lahat nitong mga alalahanin ay napawi ng One-Off, di pa kasama ang mga dagdag na benepisyo tulad ng edukasyon ng mga anak, KiwiSaver at iba-iba pa. Sana ay tuloy-tuloy na itong mga biyaya at lahat ng kabayan ay mabigyan ng Permanent Resident Status sa minamahal na New Zealand.

Salamat sa pagbasa kabayan!!!

Category :
Uncategorized
Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!