[ Note: of the 165,000 applicants under New Zealand’s 2021 One-Off Resident Visa program, you may safely assume that around 20% were our kayumanggi kabayan Pinoys. A lot of happy emails, letters, and text messages have been sent home because of these, and a few stand out. We were lucky enough to come across one of these. YouTube vid not ours, thanks for reading! ]
Dear Inang
Di na siguro mabilang ang sama ng loob na binigay ko sa yo, mula pa nung buhay pa si Itay hanggang dun sa huling pag-uwi ko at nag-iwan na naman ako ng pananagutan sa mga kamag-anak natin. Dahil lang sa aking kahinaan at karupukan.
Nung natuto pa lang akong lumaban at sumagot sa mga saway ni Itay (sumalangit nawa) ay walang-sawang kinampihan mo ako, namihasa na rin ako. Ni minsan ay di ko ito ginantihan sa yo ng kabutihan o pagtanaw ng utang na loob. Sa halip ay naging suwail pa ako. May halaga pa ba ang katagang, “I’m sorry” sa iyo Inang? Uulitin ko na lang kahit ilang beses mo nang narinig ito sa akin: Sorry po kung di ako naging mabuting anak, simula’t sapul pa.
***** ***** *****
Minsan lang ako magbigay ng good news sa yo Inay. Pero ito na ang good news na magbibigay pag-asa sa lahat ng mga apo nyo sa akin.
Nagtiis din ako ng ilang taon, na halos gawin ko lahat ng utos ng amo, makatao man o hindi. Dahil na rin sa utang na loob, at dahil na rin sa pakikisama. Ngunit alam naming pareho na halos walang pag-asa ang aking tsansa maging residente rito sa New Zealand.
Kahit alam kong pinipiga nila ako at sa huli ay uuwi rin ako nang walang maipapakita sa loob ng ilang dekada, pinilit kong gawin ang tama, para may konting maipadala sa inyo at sa aking mga iniwan na tinuring mong sariling anak.
Sa huli ay sinwerte rin ako Inang at nabigyan ako ng resident visa. Nangahas akong mag-apply nung iminungkahing basta naka 3 taon ka rito, anumang trabaho o skill mo, ay pasok ka na. Sa mga naiwan ko sa inyong mga murang edad, may pag-asa pa silang mangibang bansa.
***** ***** *****
At kung nagkataon sana, kayo na rin.
Sana di mo muna kami iniwan Inang. Nakabawi man lang sana ako ng konti sa kabila ng kabutihan at pagmamahal na pinamalas mo sa akin. Paalala ko sa sarili ko Inang, bago ako matulog twing gabi, humaharap ako sa direksyon ng Pilipinas, para mas madaling makita mo ako. Na nagpapasalamat at humihingi ng tawad.
Nagmamahal
inyong anak

