example, category, and, terms

Nagcounterflow: mula negosyante to laborer to migrante

post thumbnail placeholder

MADALAS AY ang kapalaran ng career ng mga papuntang New Zealand ay nagsisimulang oberto (laborer) na magoOFW na kikita mula sa dunong (skill), o galing na hinasa sa Pilipinas, Gitnang Silangan (Middle East) or ibang lugar. Pagkatapos kumita ng sapat na dolyares, iaangkat ito sa munting negosyo o business na hopefully tutulong sa pamilya at kinabukasan ng karaniwang masipag na kabayang OFW.

May nakilala naman akong baligtad o reverse ng direksyon ang tinahak patungong pinapangarap na buhay.

Mahirap punuin ng detalye pero nabuo ang desisyon ng ating kabayan (itago natin sa palayaw na Robin) 15 years nakaraan, nung naholdap ang kanilang tindahan ng construction supplies. Sa kilos, bilis at technique nila, hula ni Robin ay military or ex-military mga ito.

Pinaluhod nila kami at hiniwalay kami sa iba-ibang kwarto. Nakamaskara sila, tahimik at solid mga katawan. Kahit di sila nagbanta, wala along kahit katiting na dudang tepok kami kung pumalag ang kahit isa sa amin.

Di nagtagal pagkatapos ng nakakatraumatize na panghoholdap nagpasya na si Robin and family na magmigrate patungong NZ. Nakahanap si Robin ng employer na willing magtrain sa kanya ng specialized skills (sa larangan ng manufacturing).

The situation was, si Robin ay negosyante at di sanay sa manual work sa kahabaan mg kanyang buhay. Malaking pagbabago ang hiniling sa kanya, ng kanilang sinapitan bilang instant migrant, ngunit dalian nyang tinanggap ang hamon.

Ito ang mga dahilang nabigay nya:

Meron din namang mga advantage ng arawan at empleyado. Di ko na iniistress ang paghanap kung paano patubuin ang puhunan o kalakal. Minsan di na ko makatulog dahil dito.

Natutunan nyag magappreciate ng mga simpleng bagay sa buhay tulad ng simoy mg hangin, pasyalan sa kalikasan, kasama ang pamilya. Sa New Zealand ay nabigyan sya ng tsansang lasapin ito.

At marahil ito na (kahit di nya aminin) ang pinakasapol (on-point) sa mga dahilan kung bakit tumpak ang kanyang desisyong lumipat at mangibang-bansa. Ang issue ng seguridad at panganib na araw-araw na humaharap sa kanyang pamilya. Hindi perpekto ang NZ pero di sya lilingon twing may kalabog sa luob ng kanyang bakuran o sirena ng patrol pulis.

Bago kami matapos ng kwentuhan, napaisip pa si Robin nang di inaasahan (unexpectedly). Daily sya ay once upon a time negosyante sa Pilipinas, madalas ay nagpapainom at naglilibre sya ng mga kliyente, at mga liniligawang kapwa negosyante. Di nya mabitawan dahil dito ang kambal na bisyong alcohol at yosi, kung sya ay nanatili sa inang Bayan.

Baka patay na siguro ako ngayon sa sakit, Ani Robin.

Natapos ang night shift ni Robin sa weekend. Babawi sya ng tulog pero nagpromise sya sa kanyang mga apo ng barbecue, o salu-salong may ihawan kung tawagin sa New Zealand. Di rin matatapos ang Sabado’t Linggo kungdi sila mag walk-walk ni Misis.

Counterflow itong lahat sa kanyang kumplikadong buhay sa Pinas. Pero no complaints tayong maririnig mula kay Robin negosyanteng naging OFW na naging Kiwing Pinoy.

Category :
Uncategorized
Related Posts

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Accidental Migrant

Your global journey is our shared mission. Join our growing community for continuous support, updates, and inspiration.

Popular Post
Subscribe To My Newsletter

Join our newsletter to get updated with new stories, events, and updates!